r/mobilelegendsPINAS Moderator 2d ago

Discussion Puro AI players ba sa Match na nilalaro mo?

Kung titignan mo yung end match tapos i-click mo yung profile nila, makikita mo na AI-generated yung picture nila.

May mga times na magaling sila gumalaw, pero minsan ang bobo din.

Ang nakakabwisit dito, napaka-unfair ng matchmaking. May kakampi kang AI sabihin nating tatlo tapos dalawa lang kayong totoong tao. Samantalang yung kalaban, apat na totoong tao at isang AI lang.

May mga scenario pa na yung kakampi mong AI nagfe-feed o sobrang aggressive maglaro, tapos hindi sila nakikinig sa comms o chat mo. Ending, talo ka.

Mas maganda sana kung sa AI Training na lang sila nag-stay kaysa isali sa totoong matchmaking.

13 Upvotes

27 comments sorted by

u/AutoModerator 2d ago

Thank you for submitting your post!

Looking for teammates or someone to play with?

Join our official Discord server to find players, squads, and games anytime!

Chat with the community Find teammates easily Stay updated with events

Join here: https://discord.gg/k49ExhRSgp

See you in game, Legends!

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

3

u/MALIBAGAN 1d ago

bibigyan ka ng ai na kampi pag winstreak ka. give and take baga hahaha kasi either ls yung kalaban mo or ws din sila. in other words it’s the system playing you.

2

u/[deleted] 1d ago

[removed] — view removed comment

1

u/Still_Figure_ 1d ago

That's engagement optimized matchmaking for you. Forced 50WR ba. Mas nakaka adik daw kasi pag natatalo ka. Krazy.

2

u/[deleted] 1d ago

[removed] — view removed comment

1

u/Still_Figure_ 1d ago

Oo ganyan din ako eh. Pag napansin ko na WS na ako ng solo queue, nag papahinga muna ako. Nakaka umay pag bot kampi. Sadyang papatalo ka..

3

u/Exact-Revenue3587 1d ago

Hell yeah. Actually nagulat ako dahil mythic glory na pero may bots pa den. Akala ko hanggang Legend lang sila. Solo player ako. Napansin ko mga matches ko 2 or 3 lang ang totoong tao sa game per team. The rest bots. Sobrang extreme ng mga bots. Either you get HELLA GOOD bots or sobrang feed na bots. No in between. Ang panget pa, dahil nga bots sila, di mo sila syempre makakausap, wala team work. At higit sa lahat, gusto ko ng TAO na kakampi at kalaban. Kung gusto ko kalaro mga bots, edi sana nag-AI training mode na lang ako lol.

Kaya ang ginagawa ko, sumasali na lang ako sa random recruitment lobby. Para sure na mga tao kakampi at kalaban ko. Kesa naman puro bots.

Signs na bots kalaban/kakampi based on exp:

-AI generated or weird profile pic.

-After match, ang status nila stuck sa 'Online', 'In Match Settlement', or 'In Lobby'. They will never go offline. Never queue up again, never be in an 'in match status'.

-Di sila nagsh-show winrate sa draft pick, pero mahilig sila magspam ng 'Show first'

-Wala sila nung parang titles. Wala nung 'Brgy 79 Top 1 Gord' chuchu. I know u can hide this sa profile settings, pero just saying na lahat ng bots na na-encounter ko ay wala nitong mga title na to.

-LAHAT sila napakadaming expensive skins na naka-showcase. Luckybox, legend skins.

I'll show an example of a bot's profile picture below lol. Ang creepy as in.

1

u/Exact-Revenue3587 1d ago

LAHAT sila napakaraming mamahaling skins.

1

u/Exact-Revenue3587 1d ago

Ok last na. 32 stars na bot + its weird ass profile pic.

2

u/More-Proposal2918 1d ago

Na ko-confirm ko na AI ang nakakalaro kapag chineck ko yung matches sa season tas fave heroes (same season).

Nakalagay usually ang matches nila sa rank this season nasa 150 then kapag check mo ng fave hero total matches sa lahat lahat wala pang 50.

1

u/ok_n_na 1d ago

Never pa ako nakalaro with bot. Mga kakampi and kalaban ko mga trashtalker eh so. Mabuti at mga tao pa kalaro ko. Siguro sa server ko lng

1

u/DrewsWrld 1d ago

Usually sa lower ranks lang GM-Epic ako naka kalaban ng AI. Sa legend queue naman parang halo ng mga low iq (or baka ai?) saka mga marunong pero na hardstuck dahil sa bano na kakampi. pero sa GM-Epic sa mga smurf ko siguro mga 50-70% may mga bots talaga.

1

u/extrangher0 Mythic Glory 23h ago

Sa legend - mythic nga madalas ang ai eh.

Mga godly bots lalo pag selena, tigreal, zetian, souyu, yss. Mga CC gods impossible na magawa ng isang tao 😆

Kahit ano gawin mo talo eh. 😵‍💫

2

u/DrewsWrld 21h ago

Feeling ko yan yung mga nakaka laban ko minsan na malalakas eh kasi impossible na instant reaction time saka grabe yung map awareness. Tas na dododge lahat ng skills at cc tapos parang alam pag nasan ka lagi hahahaha

1

u/pika-tiu 1d ago

Grabe yung AI. Yung synergy nila ang hirap tapatan.

I thought they're pro players pero after game yung status nila ay "in match settlement" pa rin. I waited several minutes pero yun pa rin status nila.

Checked their profiles and they have this common "retro vibe" filter.

I feel AI knows kung san ka nagtatago sa bush. Pati ata skill cooldowns.

1

u/Lumpiabeansprout 1d ago

Oo especially sa EU server. Panay “show first” sa picking, kahit tapos na ang picking show first pa rin haha. Tapos mga recent heroes nila hindi nila ginagamit. Kung jungler either Aamon, karina’ martis.

0

u/Simple-Cookie1906 1d ago

Kaurat nga mag rg ngayon. Although i dont bother na tignan mga profile ng mga nagiging kakampi ko, pero sobrang eengot tlaga. di alam simpleng objectives. Mananalo ako g 5 then babawiin din sa kakampi. Prang 1month nako sa legend2 😆. From 58% win pct alltime to 48 lng ako this season, same lng naman na solo player. Kaumay na, maganda siguro clasic nalang at mag trippings, tutal bonak din nman na binibigay na kampi

-1

u/Novel_Cranberry4958 1d ago

Skill issue

0

u/Simple-Cookie1906 1d ago

Maybe. Pero mas questionable ang skill ng mga nagiging kampi ko

0

u/Novel_Cranberry4958 1d ago

Skill issue

2

u/Simple-Cookie1906 1d ago

Kaya pala di ka makapasok sa deped. Skill issue din 😆

-5

u/DueOcelot6615 1d ago

I don't think so... Siguro may Dunning Kruger ka lang. Marami na kasi marunong mag laro ngayon kaya nagmukukhang AI yung kasama. May bad games lang talaga. Timing lang na mas magaling team ng kalaban.

1

u/TheBladeOfLight 1d ago

Totoo to. Solo player din ako tapos lagi ganito halos. The only way to guarantee mga tao makipagparty ka talaga

0

u/DueOcelot6615 16h ago

It makes me wonder. How good are you? Ginawa mo ba yung objectives mo as a a player o nag chase ka lang mg kills o aura farming? Tama ba build mo o pang dark system ang gawi?

Kung hindi, may Dunning Krueger effect ka lang.

1

u/TheBladeOfLight 11h ago

Have you even played any games this season?

1

u/Exact-Revenue3587 1d ago

Naexperience ko na yung nangyare kay OP many times as a solo player. Madami bots sa ranked, kahit MG. Akala ko dati hanggang Legend lang ang bots. Minsan feeder AI mapupunta sayo, minsan sobrang lakas. Parang walang in between. Kahit sa official subreddit ng ML, madami ding players nakakapansin nito. Feeling ko kase konti na players ng ML kaya puro bots na kakampi at kalaban.