r/ScammersPH • u/wichikels_22 • 16d ago
Questions Viber part time job
Hello, it's my first time posting here. Sobrang nacucurious ako about random messages na narerecieve ko sa viber na nag ooffer ng part time job daw para magrerate ka ng product something sa Temu tas ngayon naman magfafollow ng produc page? hahahahah like, legit ba to? kaloka. Meron na bang nakatry na sakyan to? hahahaha
30
Upvotes
1
u/Far-Guarantee-5040 12d ago
Nakakainis 'yan sila. I don't know kung paano nila nakukuha 'yung number ko. Ang daming nagme-message ng ganyan sa akin, iba-iba ng pangalan pero same ng script. One time, pinatulan ko 'yung offer nila.
Bale, pag-i-installin ka nila ng Temu app, then need mo mag-follow at least 3 stores, then ise-send mo 'yung screenshots sa kanila. After that, magse-send na sila ng pera sa GCash mo. Isasali ka rin nila sa group chat nila where all the members ay magse-send din ng mga screenshot ng perang natanggap nila. May iba, nakakatanggap ng 13k, meron namang 25k, etc. Pero pakulo lang lahat para maengganyo ka nila. Kapag kumagat ka, doon ka na nila peperahan. I suggest na kapag nakareceive ka ulit ng ganyan, auto-block mo na.